This is my 100th Post! Yay!
Hanggang ngayun naghahanap parin ako ng mapapambayad mapapanrenew ng domain ko na ito. Love na love ko na itong domain na ito so ayoko naman siyang iwan, Ayaw ko ding humingi ng pera pambayad nito sa Mama ko dahil nahihiya ako. Alam niya kasing may website ako tapos kumikita ako, Eh yung mga kita ko naman sa Net ginagastos ko agad. Arghh Super gastosera ko talaga.
Wala na pala yung Photoblog ko, Nawala ((nag expire na daw ata, ewan ko lang di ako sure)) na daw yung domain sabi sakin ni Ate Valerie and sa kanya ko din pala nakuha yung pixel dito sa new layout ko. Yung Charmmy Kitty hehehe. thanks ate Val!
Naglilinis rin pala ako ng links ko so kung gusto niyong andun kayo please paki fill up lang yung form sa pinakadulo ng post ko na ito. Tatanggalin ko narin yung mga di ko kilala at mga dead links.
May sipon at ubo ako in short may sakit ako. May hangover pa nga yung lalamunan ko sa kachecheer nung Friday, Remember diba Intrams namin? Hehehe. Hayun ayus lang naman ang naging Intrams namin ayaw ko masyadong Magkwento. Kasi sumasakit na ulo ko eh.
Nanalo nga kami sa Basketball, Champion kami dun! Gosh ang galing galing ni Jayson Acosta ((number 10 siya)) . Naka ilang 3 points at lahat ng Free Throw niya swak na swak. Classmate ko siya at matino naman din :woot: :woot: Pero di ko siya crush. Lol.
Kahapon pumunta kami kila Paul. Well nag computer lang kami buong araw tapos sinundo yung isa naming classmate ((Si Marielle)) sa bahay nila. Mga pictures lang ma ishashare ko sa inyo. Tinatamad na akong magedit.
Mamaya maya pala Ieedit ko na mga pages tapos baka magdagdag narin ako ng mga Plugins, pero tinatamad akong mag dagdag sa Visitors page ko. Medyo di pa ako contented sa colors at css ng layout na ito. Ill try to blog hop later.
Miss ko na mga blogs niyo.
Send your links here:
[CONTACT-FORM]
Nga pala If you want to read my Private Posts. Please Register here. This coming days or weeks mapapadalas akong mag private post eh.